Women power sa gobyerno isinusulong
June 29, 2006 | 12:00am
Isinusulong ng isang grupo ng mga mambabatas sa Kamara ang "women power"na naglalayong madagdagan ang posisyon ng mga babaeng nagtatrabaho sa gobyerno.
Nakapaloob sa "Gender Balance Act of 2006" na dapat ay ibigay sa mga kababaihan ang 30 porsiyento ng mga posisyon sa bureaucracy, militar, police, government-owned and controlled corporations at iba pang ahensiya ng pamahalaan.
Ayon kina Akbayan Reps. Loretta Ann Rosales, Riza Hontiveros-Baraquel at Mario Joyo Aguja, panahon na upang madagdagan ang mga kababaihan sa mga "political decision-making institutions" upang mas maisulong ang mga womens agenda.
Binanggit ni Baraquel ang Sweden, Denmark at Norway na nagpapatupad ng "gender quotas" gayundin sa African National Congress kung saan naka-reserve ang 30 porsiyento ng parliamentary at 50% ng local government candidacies sa mga kababaihan.
Sa ilalim ng panukala, dapat ilaan ang 30% ng mga Cabinet positions sa mga kababaihan. Dapat ding ilaan ng lahat ng partidong pulitikal ang 30% ng tatakbuhang posisyon sa mga babaeng kandidato sa national at local elections at 30% ng "table organizations" ng militar at pulisya mula sa rank-and-file hanggang sa top positions. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended