^

Bansa

Education system dapat rebisahin

-
Iginiit kahapon ng Demokratiko Sosyalistang Kabataan ng Pilipinas (DSKP) na panahon na upang baguhin ang sistema ng edukasyon sa bansa upang maihanda ang mga kabataan sa napipintong industriyalisasyon ng bansa.

Sinabi ni Michael Eric Castillo, education committee chairman ng DSKP, maraming mga nagtapos ng kanilang pag-aaral ang nahihirapang makakuha ng trabaho dahil hindi tugma ang kanilang kurso sa pangangailangan ng ekonomiya.

Aniya, dapat gabayan ng Department of Education at Commission on Higher Education ang mga kabataang estudyante sa pagpili ng tamang kurso upang makakuha sila ng trabaho.

Sinabi pa ni Castillo, dapat pag-ukulan ng pansin ang technical at vocational courses na higit na kailangan sa industriyalisasyon.

ANIYA

DEMOKRATIKO SOSYALISTANG KABATAAN

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDUCATION

HIGHER EDUCATION

IGINIIT

MICHAEL ERIC CASTILLO

PILIPINAS

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with