Pamilya ni Nicole sinusuhulan para umatras
June 27, 2006 | 12:00am
Ibinunyag kahapon ng kapatid ng Subic-rape victim sa korte na tinangka silang suhulan upang iatras ang kaso laban sa apat na US Marines na sangkot sa Subic rape case.
Ito ang tahasang sinabi ni Anna Liza Franco, kapatid ng biktimang si Nicole, sa kanyang testimonya sa pagpapatuloy ng pagdinig ng rape case sa sala ni Judge Benjamin Pozon ng Makati City-Regional Trial Court.
Sinabi ni Franco na isang Ben Natividad ang nag-alok sa kanila ng pera upang iurong nila ang kasong rape na isinampa ng kanyang kapatid laban sa 4 na US Marines.
Hindi naman idinetalye ni Franco sa korte kung saan konektado si Natividad at kung magkano ang inaalok na pera nito kapalit ng pag-atras ng kaso laban sa mga sundalong Kano na inakusahang gumahasa kay Nicole.
Sa naging testimonya ng kapatid ni Nicole sa pagpapatuloy ng pagdinig sa kaso ay tahasang sinabi nito sa korte na tinanggihan ng kanilang pamilya ang alok na pera kapalit ng pag-urong ng kaso. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended