^

Bansa

Bitay lusaw na!

-
Tuluyan nang ibinasura ng gobyerno ang parusang kamatayan makaraang pormal na lagdaan kahapon ni Pangulong Arroyo ang Republic Act 9346 na lumulusaw sa Death Penalty Law.

Sa isang maikling seremonya sa Malacañang isang oras matapos siyang lumabas mula sa St. Luke’s Medical Center kahapon ng umaga matapos madale ng diarrhea, pinawi ng Pangulo ang pangamba ng ilang sektor na ang pagbasura sa bitay ay magbubukas ng pinto sa pagdami ng karumal-dumal na krimen.

Ayon sa Pangulo, kumikilos ang gobyerno para mapagbuti ang implementasyon ng batas at hustisya. Mas mainam anya na sugpuin ang krimen kaysa alisan ng buhay ang mga gumawa ng pagkakasala.

Sinabi pa ng Pangulo na layunin din nitong mabigyan ng pagkakataong makapagbago at makapagsisi ng kasalanan ang mga bilanggong nagkasala sa halip na bawian ang mga ito ng buhay.

Naniniwala rin ang Pangulo na ang pagpapataw ng parusang kamatayan ay hindi maka-mahirap dahil ang mga hindi nakakariwasa sa buhay ay walang kakayahang kumuha ng mahuhusay na abogado para depensahan ang sarili.

Samantala, sinalubong naman ng kilos-protesta ang ginawang pagbasura ng pamahalaang Arroyo sa parusang kamatayan.

Ayon sa Volunteer Against Crime and Corruption (VACC), isang kahangalan ang ginawang pagbasura sa Death Penalty Law dahil tiyak umanong mas lolobo ang bilang ng krimen sa bansa.

Anila, maituturing na tinatalikuran ni Pangulong Arroyo ang pagbibigay ng pantay na hustisya sa mga biktima ng karumal-dumal na krimen.

Mas binibigyang halaga pa umano ng Pangulo ang buhay ng mga kriminal na nahatulan na mabitay at hindi ang mga naging biktima nito.

Iginiit pa ng VACC na tiyak umanong tatakasan na ng kanilang kaluluwa ang mga kriminal sa bansa sa paggawa ng krimen dahil mas mawawalan na ng ngipin ang hustisya sa ginawang pagpatay sa bitay. (Lilia Tolentino at Grace Dela Cruz)

AYON

DEATH PENALTY LAW

GRACE DELA CRUZ

LILIA TOLENTINO

MEDICAL CENTER

PANGULO

PANGULONG ARROYO

REPUBLIC ACT

ST. LUKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with