22 estudyante, mga Bagong Doktor nina FG at Sen. Flavier
June 23, 2006 | 12:00am
Inilunsad kahapon nina First Gentleman Mike Arroyo at Sen. Juan Flavier ang kanilang pinakabagong proyekto na naglalayong madagdagan ang bilang ng mga doktor na magsisilbi sa mga mahihirap at magpapalawig ng serbisyong pangkalusugan sa kanayunan sa buong bansa.
Sa simpleng seremonya sa Malacañang, ipinakilala nina Flavier at First Gentleman ang unang 22 iskolar ng kanilang "Bagong Doktor Para sa Bayan Project."
Ang proyekto ay ideya ni Flavier at isinakatuparan ng First Gentlemans Foundation.
"Sa hinaharap ay palalawakin namin ang proyekto sa pamamagitan ng pagsali ng mga freshman at second year medicine students sa pagpili ng magiging mga iskolar," ayon sa Unang Ginoo.
Hahatiin ang mga iskolar sa dalawang grupo at mag-aaral sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at University of the Philippies (UP) College of Medicine.
Ang mga iskolar sa UP ay sina Vanessa Cabaluna, Sultan Kudarat; Pilarica Caguit, Zamboanga; Romelei Camiling, Pampanga; Katerina Nono at Lemuel Benedict, kapwa Samar; Hazel Madeleine Cappleman, Ifugao; Anthony Cu, Metro Manila; at Karen Dalawangbayan, Heidee Exconde at Nico Majarcon, pawang ng Laguna.
Sa PLM ay sina Eileen Cunanan, Las Piñas; Benjamin Dalit, Jr., Valenzuela City; Ma. Sheryl de Jesus, Laguna; Rhodora Faye Fernandez, Pangasinan; Elaine Mira at Karen Aisa Monje, Northern Samar; Emmanuel Johnson Obaña, Oriental Mindoro; Paulo Papillero, Sorsogon; Winnie Lorraine Umali, Batangas; Charmaine Rabago, Jeffrey James Motos, kapwa Naga City at Adam Balilio, Pampanga.
Ang mga iskolar ay libre sa matrikula, uniforms, medical bags, board and lodging at board exam fees. (Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest