AdCom tiwalang lulusot ang Peoples Initiative
June 16, 2006 | 12:00am
Malaki ang paniniwala ng Charter Change Advocacy Commission (AdCom) na malulusutan nito ang legal na balakid sa isinusulong na Peoples Initiative (PI) sa sandaling maisumite na nila sa Commission on Elections (Comelec) ang kanilang petisyon sa susunod na linggo.
Ayon kay AdCom chairman Lito Monico Lorenzana, ang 10 milyong lagda na kanilang nakalap sa buong bansa ay katibayan na gusto ng taumbayan na magkaroon ng reporma sa ating Konstitusyon.
Nanawagan din si Lorenzana sa lahat ng kritikong kumukuwestyon sa legalidad ng Peoples Initiative na dalhin sa Korte Suprema ang kanilang petisyon.
Aniya, ang Peoples Initiative ang "ultimate expression of People Power" at ito ang pinakamahusay na alternatibo sa mga hakbang na salungat sa Konstitusyon na kadalasan ay nagbubunga ng karahasan. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am