^

Bansa

3 pagsabog!

-
Tatlong magkakasunod na pagsabog ang yumanig sa lungsod ng Maynila, Quezon City at lalawigan ng Batangas kahapon ng madaling araw na itinaon sa bisperas ng pagdiriwang ng ika-108 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.

Unang pinasabugan ng granada ang harap ng palengke ng Lipa City sa Bgy. Poblacion, Batangas dakong alas-5 ng umaga. Nabatid na nakalagay ang bomba sa isang bayong na iniwan sa loob ng isang nakaparadang pampasaherong dyip na may plakang NWD 836.

Siyam katao ang sugatan na kinilalang sina Dennis Carandang, 31; Vicente Manosca, 47; Florendo Castillo, 60; Orlando Magatol, 35; Pedro Roxas, 62; Elmer Cervantes, 37; Armizaide Tejada, 27, at Cesar Laygo, 46 na isinugod sa magkakahiwalay na ospital.

Dakong 5:30 ng madaling araw ay ginimbal naman ng pagsabog ang QCPD Satellite Police Bus Station na nakaparada sa kahabaan ng Commonwealth Ave., sa UP Bliss, Quezon City.Isang pillbox ang sumabog naman malapit sa Lawton police outpost sa Liwasang Bonifacio malapit sa Jones bridge sa lungsod ng Maynila.

Ang Metro Manila ang sentro ng selebrasyon ngayong araw kung saan si Pangulong Arroyo ay nakatakdang magtalumpati sa Luneta.

Agad namang inako ng grupong "Taong Bayan at Kawal" ang pagpapasabog sa QC at Maynila. Ang grupo ang siya ring umako sa Grepalife bombing sa Makati at sa pagpapasabog sa bahay ng alleged jueteng lord na si Rodolfo "Bong" Pineda sa Lubao, Pampanga kamakailan.

Samantala wala pang suspek sa Lipa market bombing. Ayon sa pulisya, maituturing na terorismo ang insidenteng ito dahil ang pakay ay makasakit.

Ayon naman kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Vidal Querol na alinman sa grupo ng mga terorista, destabilizer, komunista at mga elementong kriminal ang pinaghihinalaan nilang may kagagawan.

"We are not taking any chances, we are making very elaborate security measures for a more meaningful celebrations," pahayag ni Querol na nagsabi pang susupilin nila ang anumang pagtatangka ng mga grupong ibig manggulo sa selebrasyon ng Independence Day.

Kaugnay nito, inihayag ng AFP na itinaas na rin sa blue o heightened alert ng militar sa buong bansa kaugnay ng gaganaping okasyon sa araw na ito. (Joy Cantos, Danilo Garcia, Ludy Bermudo At Arnell Ozaeta)

ANG METRO MANILA

ARMIZAIDE TEJADA

AYON

BATANGAS

CESAR LAYGO

COMMONWEALTH AVE

DANILO GARCIA

DENNIS CARANDANG

MAYNILA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with