Parañaque naalarma sa posibleng paglubog
June 10, 2006 | 12:00am
Naalarma si Parañaque Vice Mayor Anjo Yllana dahil sa mga report na nanganganib lumubog ang kanilang lungsod dahil sa patuloy na pagbaba ng antas ng underground water nito.
Dahil dito kaya magpapatawag ng special session si Yllana kung saan iimbitahan ang mga opisyal ng National Water Regulatory Board na siyang nag-ulat ng nakakaalarmang sitwasyon sa Parañaque.
Ayon sa NWRB officials sa isang TV interview, ang Parañaque ay nasa level three na ng soil underground situation, pinakamababa umano ito sa 14 siyudad sa tatlong munisipalidad ng Metro Manila. Kung ang isang lugar ay nasa level three scale, wala na umanong pressure para protektahan ang geological structure nito.
Sinabi pa ng NWRB na dahil dito, sa isang itensity 6 o mas malakas pang lindol, ang lupa ng lungsod ay may posibilidad na mag-collapse na magdudulot ng panganib sa may isang milyong residente.
Ayon kay Yllana, kailangang maresolbahan ang problemang ito at dapat din anyang maihanda ang mga residente sa "clear and present danger" na nagbabadya sa lungsod.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am