Prosecution umiskor sa Subic rape case
June 3, 2006 | 12:00am
Nagharap sa kauna-unahang pagkakataon ang Subic rape victim na si "Nicole" at ang apat na sundalong Kano sa isinagawang pagdinig kahapon sa Makati Regional Trial Court.
Nakaiskor ang prosecution laban sa depensa makaraang iprisinta nila ang dalawa nilang testigo, sina Tomas Corpuz at Gerald Muyot, kapwa security guard ng Neptune Club sa Subic Bay, Olongapo City.
Si Corpuz ay nakatalaga sa loob ng club habang si Muyot ay naka-assign sa parking area.
Sa testimonya ni Corpuz, sinabi nito na nakita niya si Nicole na lasing at pasuray-suray sa loob ng function room ng club. Sa pahayag naman ni Muyot, nakita niya si Nicole na walang malay at parang batang binitbit ng isa sa mga akusadong si Daniel Smith pasakay sa Starex van. Nairecord pa ni Muyot sa log book ang plaka ng van.
Naniniwala si Atty. Evalyn Ursua, abogado ni Nicole na malakas ang kaso laban sa mga akusado dahil na rin sa testimonya ng dalawang sekyu.
Kasama ni Smith sa kaso sina Chad Carpienter, Dominic Duplantis at Keith Silkwood. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended