^

Bansa

3 Pinoy terrorists tiklo sa Malaysia

- Ni Ellen Fernando -
Tatlong Pinoy na hinihinalang miyembro ng "terror network" na Jemaah Islamiyah ang bumagsak sa kamay ng Malaysian authorities sa isinagawang operasyon sa Sabah.

Sa impormasyong nakarating kahapon sa Department of Foreign Affairs (DFA), kinilala ang dalawa sa tatlo na sina Jeknal Adil, 22 at Binsali Omar, 40 na kapwa tubong Mindanao. Walo pang Malaysian at tatlong Indonesian na sinasabing aktibong miyembro ng Darul Islam terror group ang kasamang naaresto.

Ang Darul Islam ang tumulong sa pitong Indonesian kabilang ang dalawang top Jemaah terrorists na sina Dulamtin at Umar Patek sa pagtakas at pagtatago sa Pilipinas partikular sa Mindanao. Sina Dulamtin at Patek ang itinuturong may kinalaman sa Bali bombing sa Indonesia noong 2002.

Sinasabing naaresto ang grupo nitong Marso 16 hanggang Abril 3 habang nagpaplano umano ng panibagong pag-atake sa nasabing bansa.

Sinasabi ring sangkot ang tatlong Pinoy sa pag-smuggled ng mga matataas na uri ng baril sa Mindanao.

vuukle comment

ANG DARUL ISLAM

BINSALI OMAR

DARUL ISLAM

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

JEKNAL ADIL

JEMAAH ISLAMIYAH

MINDANAO

SINA DULAMTIN

TATLONG PINOY

UMAR PATEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with