^

Bansa

MJ nagbigay ng P10-M sa Pacific Plans ‘victims’

-
Nakakuha ng kakampi ang mga miyembro ng Parents Enabling Parents (PEP) coalition na kinasuhan ng libelo ng Pacific Plans Inc. (PPI) matapos magkaloob ng P10 milyong tulong pinansyal si dating Manila Rep. Mark Jimenez para sa tuition fees ng mahihirap nitong miyembro.

Nagpasyang magkaloob ng P10 milyong tulong si Rep. Jimenez sa sobrang awa sa inabot na kapalaran ng may 34,000 miyembro ng PEP na sa halip na ayusin ng PPI ang naging problema nito sa kanilang educational plan holders ay kinasuhan pa ng libelo nang ihayag ang kanilang hinaing laban sa kumpanya.

Bukod sa tulong pinansyal, nagkaloob din ni Jimenez sa PEP coalition ng legal assistance para sa kasong kinakaharap nito.

Lubos na nagpasalamat naman ang miyembro ng koalisyon sa tulong ni Jimenez.

Sinabi naman ng PEP coalition, ang pinaka-mahirap na miyembro ng kanilang koalisyon ang magiging prayoridad sa ibinigay na tulong ni Jimenez upang makapag-aral sa darating na pasukan ang kanilang mga anak na dapat sana ay tungkulin ng PPI.

Nakatakda namang magharap ng motion for reconsideration sa Makati Prosecutor’s Office at motion for suspension ang PEP coalition ngayon kaugnay sa isinampang libel case ng PPI laban sa kanila. (Rudy Andal)

BUKOD

JIMENEZ

LUBOS

MAKATI PROSECUTOR

MANILA REP

MARK JIMENEZ

NAGPASYANG

PACIFIC PLANS INC

PARENTS ENABLING PARENTS

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with