Quarters ng overstaying officers ini-award na
May 22, 2006 | 12:00am
Sinimulan na ng Philippine Navy ang paga-award sa binakanteng mga quarters ng mga pinalayas na overstaying ex-Navy officers sa ginanap na seremonya kahapon sa Naval Station sa Fort Bonifacio, Taguig.
Namayani ang tensiyon nitong Sabado sanhi ng patuloy na pagmamatigas ng ilang mga retiradong opisyal na lisanin ang kanilang mga quarters.
Ayon kay Navy spokesman Capt. Geronimo Malabanan, anim na senior at aktibong opisyal ng Navy at Marines ang nabiyayaan ng unit habang ang iba pa ay isusunod na ang pamamahagi dahil hindi pa natatapos ang pag-iimpake at paghahakot ng kanilang mga kagamitan.
Sa loob ng susunod na mga araw ay tatapusin ng binuong Task Force Balik-Bahay ang paghahakot. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest