Sinabi ni Gonzalez na ang pagtungo naman ni Ylarde sa HK ay mayroong kaugnayan sa tungkulin nito kaya binigyan niya ito ng go-signal.
Subalit sa kabila nito, pinigilan pa rin sa airport ng mga immigration agent si Ylarde dahil sa pagkakasama ng pangalan nito sa watchlist dahil sa umanoy pagkakasangkot nito sa pagpatay sa mamamahayag na si Philip Agustin.
Bunga nito, nagpasya na lamang si Ylarde na huwag nang lumabas ng bansa upang ipakita umano na hindi niya tatakasan ang umanoy kasong ibinibintang sa kanya.
Malaki ang paniniwala ni Ylarde na ang hindi pagpapalabas sa kanya ng bansa ay maituturing na isang harassment ng mga kalaban niya sa pulitika. (Grace dela Cruz/Butch Quejada)