Planta sa QC, hiling ipasara
May 18, 2006 | 12:00am
Muling pinabubuksan ni Quezon City 3rd District councilor Dante de Guzman ang kaso ng ilegal na operasyon ng power manufacturing na posibleng magdulot ng nakamamatay na sakit sa mga residente ng lungsod.
Ayon kay de Guzman, ilegal umano ang pagtatayo ng Delta Star Power Manufacturing Corp. na ino-operate ni Reynaldo Daquigan sa Novaliches area Jordan Plaines subdivision.
Noong Enero 2002 ay iginiit ni de Guzman na imbestigahan ng konseho ang naturang isyu, subalit apat na taon na ang nakararaan ay walang anumang rekomendasyong ipinalabas dito ang mga miyembro ng komite dahilan upang manatiling tulog ang kaso.
Pinangangambahan umano ni de Guzman ang sakit na maaaring idulot ng langis na ginagamit sa pagsasa-ayos ng electric transformers na itinatapon ng kompanya. Maaari umano nitong higupin ang mga nakalalasong langis sa mga tubo ng tubig na pinanggagalingan ng inumin ng mga residente sa lugar. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest