35 mahihirap na estudyante nabigyan ng scholarship
May 17, 2006 | 12:00am
Tatlumput lima pang mahihirap na college students mula sa ika-5 Distrito ng Negros Occidental ang nadagdag sa mga scholar ni Rep. Ignacio Iggy Arroyo.
Ang 35 scholar ay kumukuha ng ibat ibang kurso sa ibat ibang unibersidad at kolehiyo sa buong 5th District ng Negros Occidental.
Inihayag ni Arroyo na ang kanyang college at high school scholarship program ay isasagawa taun-taon. Makikipag-ugnayan din siya sa ibat ibang ahensiya ng pamahalaan para sa karagdagang tulong sa mga mahihirap ngunit karapat-dapat na estudyante.
Nauna rito, pinasinayaan ni Arroyo ang isang bagong building at food court sa Isabela National High School sa bayan ng Isabela.
Pinaglaanan ni Arroyo ng P400,000 ang building at food court mula sa kanyang pondo bilang mambabatas. Matagal nang hinihiling ng faculty ang naturang mga proyekto bago pa siya naging congressman.
Umabot na sa 84 ang scholar sa high school at college ni Arroyo. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest