2 Pinoy nagsuntukan sa barko, 1 patay
May 17, 2006 | 12:00am
Isang Pinoy seaman ang inaresto dahil sa umanoy pagpatay sa kapwa Pinoy makaraang mag-away habang bumibiyahe ang sinasakyan at pinaglilingkuran nilang barko sa London.
Sa ulat na nakarating kahapon sa tanggapan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alberto Romulo, nabatid na ang biktima na hindi pa tinutukoy ang pangalan ay may edad 40-anyos.
Habang ang suspek na isa ring Pinoy ay 49-anyos at hawak na ng British police makaraang isuko ng kapitan ng barkong Queen Mary II, isang luxury cruise liner.
Ayon sa report, nagsuntukan ang dalawa noong Biyernes ng hapon habang naglalayag sa karagatang sakop ng London patungong Norway.
Nagtamo ng maraming sugat sa ulo ang biktima matapos umanong iumpog sa bakal ng suspek at namatay bago pa maisugod sa pagamutan.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung ano ang ugat ng pag-aaway ng dalawa.
Tiniyak naman ng DFA na tutulungan nila ang biktima at suspek dahil pareho itong Pinoy. (Mer Layson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest