Itoy sa sandaling maipasa ang House Bill 3744 o "Empowerment of Women in Vulnerable Situations Act of 2005" ni Cebu Rep. Nerissa Corazon Soon-Ruiz.
Ayon kay Rep. Soon-Ruiz, mas nae-expose sa verbal at psychological abuse ang mga mahihirap na buntis na pinapangaralan pa na animoy mga bata ng mga hospital personnel sa tuwing silay manganganak partikular na sa mga ospital ng gobyerno.
Dahil dito kaya mas nagiging mahirap aniya sa mga babae ang pagbubuntis at panganganak.
Ibinunyag ni Dr. Junice Melgar, executive director ng Likhaan (Linangan ng Kababaihan, Inc.) sa mga nakaraang pagdinig ng House committee on women na mataas ang diskriminasyon laban sa mga kababaihan sa mga institusyon katulad ng orphanages, shelters para sa mga dalagang ina, bilangguan o detention centers at home for the aged at refugee centers.
Ayon naman kay Ana Maria Nemenzo, national coordinator ng Woman Health Philippines, natuklasan nila sa kanilang mga pag-aaral na ang mga discriminatory attitude ng mga clinic personnel ang pangunahing dahilan kung bakit nagdadalawang-isip magpa-checkup sa mga health clinics ang mga kababaihan kahit malapit ang mga ito sa kanilang tahanan. (Malou Escudero)