^

Bansa

Erap naospital dahil sa LBM

-
Isinugod kahapon sa San Juan Medical Center si dating Pangulong Joseph Estrada matapos ang hindi matigil na pananakit ng tiyan nito dahil sa pagta-tae o LBM (loose bowel movement).

Ayon sa kanyang doktor na si Lorenzo Hocson, hindi pa alam kung bakit nagka-LBM si Estrada pero kinailangan niyang i-dextrose dahil may signs na siya ng dehydration matapos ang halos kalahating araw na pagtatae.

Sinabi ni Dr. Hocson na posibleng galing sa mamantikang pagkain ang naging sanhi ng sakit ni Estrada dahil karamihan sa mga inihanda sa birthday ni Doña Mary ay mga ganoong putahe gaya ng "Lechon Baka" at "Kare-Kare" na hiniling niyang handa sa kaarawan ng ina. Ipinagbawal ng doktor ang mamantikang pagkain kay Estrada dahil may kahinaan ang tiyan nito.

"Maaring na-excite siya sa pagkain, kasi iba ito dun sa Tanay," ani Hocson.

Dahil dito, inaasahang hindi matutuloy ngayong araw ang pagpapatuloy ng hearing ng plunder case ni Estrada base na rin sa rekomendasyon ni Hocson.

"Sa tingin ko hindi siya makakarating kasi delikado, mahirap na baka lumala ang dehydration. Nakakaranas siya ng up and down (LBM) and some episode of vomiting,"pahayag ng doktor.

Alas-10 ng gabi noong Miyerkules ang itinakdang deadline ng korte para bumalik sa Tanay, Rizal si Estrada matapos dumalo sa 101st birthday ng ina sa Greenhills, San Juan. (Edwin Balasa/Malou Escudero)

DR. HOCSON

EDWIN BALASA

HOCSON

LECHON BAKA

LORENZO HOCSON

MALOU ESCUDERO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

SAN JUAN

SAN JUAN MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with