^

Bansa

Snap poll ‘di sagot sa civil war — solons

-
Ibinasura ng mga pinuno sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panawagan ng oposisyon na magpatawag si Pangulong Arroyo ng isang snap election upang maiwasan umano ang paglaganap ng digmaan sa bansa.

Sinabi nina House Majority Leader Prospero Nograles at Deputy Majority Leader Antonio Cerilles na hindi katanggap-tanggap at wala sa panahon ang panawagan ng oposisyon dahil palalalain lamang nito ang problema ng bansa, partikular na ang idudulot nito sa ekonomiya.

Ipinagdiinan ni Nograles na malabong mangyari ang civil war sa Pilipinas dahil bukod sa kontrolado ni Pangulong Arroyo ang sitwasyon ay hinding-hindi ito papayagan ng taumbayan.

Naniniwala pa ang kongresista mula sa lunsod ng Davao na ang mga protestang ginagawa laban sa pamahalaan ay hindi umabot sa pinakamataas na yugto ng pakikibaka dahil ayaw ng taumbayan na maimpluwensiyahan ng mga negatibong pulitika.

Nagbabala pa si Nograles na ang anumang pagbabanta kaugnay sa digmaan ay magdudulot lamang ng pananakot hindi lamang sa mga lokal na mamumuhunan, kundi maging sa mga dayuhang negosyante.

Hinikayat din ni Nograles ang mamamayan na huwag makinig sa mga ibinabatong mungkahi ng hanay ng oposisyon.

Aniya, oposisyon lamang ang may kagagawan ng mga problemang hinaharap ng bansa dahil sa kanilang personal na ambisyon.

Hinikayat naman ni Cerilles ang mga pulitiko na maglatag ng mga solusyon sa problema ng bansa, alinsunod sa itinatakda ng Konstitusyon. (Malou Escudero)

ANIYA

CERILLES

DEPUTY MAJORITY LEADER ANTONIO CERILLES

HINIKAYAT

HOUSE MAJORITY LEADER PROSPERO NOGRALES

MABABANG KAPULUNGAN

MALOU ESCUDERO

NOGRALES

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with