^

Bansa

PDSP sumuporta rin sa ID system

-
Ang desisyon ng Korte Suprema na magkaroon ng unified ID system para sa mga government employees ay magbibigay daan upang muling buhayin ang batas na naglalayong mabigyan ng computerized ID system ang lahat ng Filipino.

Ayon kay Secretary Norberto Gonzales, chairman ng Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas, ang pasya ng SC ay dapat na maging daan upang maipasa ang panukalang maipatupad ang ID system sa bansa.

Ipinaliwanag pa ni Gonzales, ang implementasyon ng ID system ay magpapadali sa lahat ng transaksiyon ng public at private company.

"Isang card lang at maaari na itong gamitin sa lahat ng transaction hindi tulad ng ipinatutupad na kailangan ang tatlo hanggang limang ID bago ma-process ang isang transaction", ani Gonzales.

Iginiit pa nito na wala namang dapat na ikabahala ang publiko sa ID system dahil ang pangunahing layunin nito ay magamit ng bawat Filipino sa lahat ng transaksiyon ang iisang ID at hindi pagtugis sa mga kriminal. (Lilia Tolentino)

AYON

GONZALES

IGINIIT

IPINALIWANAG

ISANG

KORTE SUPREMA

LILIA TOLENTINO

PARTIDO DEMOKRATIKO SOSYALISTA

PILIPINAS

SECRETARY NORBERTO GONZALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with