^

Bansa

Transport, Mindanao leaders umikot sa Chacha

-
Umikot muli kahapon sa Metro Manila ang transport group na PCDO-ACTO, na pinamumunuan ni Efren de Luna, upang hikayatin ang mga mamamayan na suportahan ang Charter Change para sa kinabukasan ng bansa at ng mga susunod na henerasyon.

Hinikayat ni de Luna, secretary-general ng grupong Sigaw ng Bayan na pinamumunuan ni Atty. Raul Lambino, ang mga botante na lumahok sa debate at diskusyon tungkol sa Chacha.

"Lumahok po tayo sa mga usapin sa pagbabago ng Saligang Batas upang maliwanagan ang lahat sa mga isyu," pahayag ni de Luna na mayroong libong tagasunod sa grupo ng transportasyon.

Samantala, sa Davao City, mahigit sa 1,000 business at sectoral leaders kasama ang mga barangay officials na pinamumunuan ni City Mayor Rodrigo Duterte ang lumahok sa kampanya sa People’s Initiative.

Sumama na rin ang 900-strong Provincial Board Members League of the Philippines (PBMLP) sa kampanya sa pagpapaliwanag sa mga mamamayan sa buong kapuluan tungkol sa pagbabago sa Konstitusyon.

Umabot sa 300 opisyales ng Davao at 700 negosyante at iba pang sectoral leaders mula sa buong rehiyon ang nagpahayag ng kanilang buong suporta sa People’s Initiative para sa pag-amyenda sa Konstitusyon, sa ginanap na magkasunod na pagpupulong ng Charter Change Advocacy Commission (AdCom) sa Grand Men Seng Hotel dito. (Angie dela Cruz)

CHARTER CHANGE

CHARTER CHANGE ADVOCACY COMMISSION

CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DAVAO CITY

GRAND MEN SENG HOTEL

KONSTITUSYON

METRO MANILA

PROVINCIAL BOARD MEMBERS LEAGUE OF THE PHILIPPINES

RAUL LAMBINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with