Oral debate sa CPR ngayon
April 4, 2006 | 12:00am
Nakatakdang talakayin ngayong araw na ito ng Korte Suprema ang legalidad ng Calibrated Preemptive Response (CPR) at ilang probisyon sa Batas Pambansa 880.
Ang oral argument sa nasabing isyu ay tatalakayin ngayong ala-1 ng hapon kung saan ay inaasahang dadalo ang mga petitioners sa kaso at si Solicitor-General Eduardo Nachura.
Naglatag naman ng mga guidelines ang High Tribunal para sa oral argument kung saan ay dapat lamang tutukan ang kinukuwestyong legalidad sa section 4,5,6,12,13 (a) at 14 (a) ng BP 880 at kung maituturing na labag sa Konstitusyon ang CPR.
Bibigyan ng 25 minuto ang mga petitioner na kinabibilangan ng Karapatan, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, Kilusang Mayo Uno at pribadong indibidwal para sa kanilang argumento.
Pagkatapos nito ay saka magtatanong ang mga mahistrado ng SC kabilang na ang bagong mahistrado na si Associate Justice Presbitero Velasco.
Ito rin ang unang pagsalang ni Sol-gen Nachura matapos itong pumalit kay dating Sol-gen Alfredo Benipayo. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest