^

Bansa

1 pang Pinay patay sa Bahrain

-
Kinumpirma ng embahada ng Pilipinas sa Bahrain na isa pang Filipina ang kabilang sa mga nasawi sa tumaob na ferry boat noong Biyernes.

Ayon sa natanggap na ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), umaabot na sa apat na Pinoy ang casualties sa tumaob na Al-Dana ferry boat kung saan ay 137 pasahero nito ay 57 na ang kumpirmadong nasawi.

Tumanggi ang DFA na pangalanan ang huling biktima sa boat tragedy sa Bahrain habang ipinapaalam pa sa mga kaanak nito ang kanyang sinapit.

Kinilala lamang ni OWWA welfare officer Venus Bravo ang nasawing Pinay sa pangalang "Susie" na isang kitchen crew sa lumubog na ferry boat. Isa pang Pinay na nagngangalang Nenita Jacob na lulan din ng nasabing barko ang iniulat na nawawala.

Napag-alaman ng OWWA na tanging ang OFW na si Edwin Batacan ang may dokumento mula mga nasawi sa Bahrain.

Darating ang bangkay ni Batacan ngayon lulan ng Gulf Air.

Ang mga nasawi na sina Norman Belardo at Quinne Dungcan ay wala sa documented OFW ng OWWA. (Ellen Fernando)

BAHRAIN

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EDWIN BATACAN

ELLEN FERNANDO

GULF AIR

NENITA JACOB

NORMAN BELARDO

PINAY

QUINNE DUNGCAN

VENUS BRAVO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with