Media interview sa Erap trial bawal
March 30, 2006 | 12:00am
Nagpalabas ng kautusan kahapon si Sandiganbayan Presiding Justice Teresita Leonardo-de Castro sa mga abogado ng prosekusyon at depensa na tigilan na ang pagpapa-interview sa media kaugnay sa kaso ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Ang kautusan ay matapos maghain ng mosyon si Atty. Rene Saguisag na humihiling sa korte na magpalabas ng isang "ground rules" kaugnay sa media interview.
Inireklamo ni Saguisag ang ulat sa isang pahayagan na sinabi ni Ilocos Sur Gov. Luis "Chavit" Singson na mako-convict si Estrada dahil sa kanya.
Ayon sa report, wala pang naipapanalong kaso si Saguisag at posibleng ganito rin ang mangyari sa kaso ni Estrada.
Pero nilinaw ni de Castro, chairperson ng Special Division, na hindi gag order ang kanyang ipinalabas dahil pinapayagan naman ang media na magkober sa nangyayari sa Sandiganbayan.
Kahapon ay muling humarap sa korte si Estrada at tulad nang inaasahan, itinanggi nito ang akusasyon laban sa kanya at tinawag niyang sinungaling si Singson.
Sinabi ni Estrada na napatunayan ang pagsisinungaling ni Singson sa ginawang reenactment sa Bangko Sentral ng Pilipinas kung saan hindi nagkasya sa apat na kahon ang P13 milyon na may denomation na P1,000.
Inakusahan ni Singson si Estrada na tumanggap ng P130 milyong kickback mula sa tobacco excise tax.
Binuhay naman ni Estrada ang isyu ng malversation charges na kinakasangkutan ni Singson kung saan hindi umano na-liquidate ni Singson ang P1.4 bilyong government funds na ginamit nito sa ibat ibang maanomalyang proyekto sa kanyang probinsiya noong 1998.
Nabasura lamang anya ang mga kaso nang mabigyan ng "immunity from suit" si Singson matapos tumestigo laban sa kanya sa kasong plunder. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended