^

Bansa

SLEX paluluwagin

-
Inilunsad ni Pangulong Arroyo ang P4.42 bilyong rehabilitasyon ng South Luzon Expressway para mapaluwag ang Metro Manila at buksan ang mga bagong negosyo sa Timog Katagalugan para magkaroon ng magandang pagkakataon sa empleyo ang mga residente ng rehiyon.

Ang pagsasaayos ay kinabibilangan ng Project Toll Road 1, 2 at 3.

Ang TR1 na nagkakahalaga ng P1.34 bilyon ay sumasaklaw sa pagkukumpuni ng 1.2 kilometrong Alabang viaduct at pagpapalit ng bridge deck. Dalawang bagong linya ng lansangan ang mabubuksan para madagdagan ang anim na linyang kalsada.

Ang TR2 na nagkakahalaga ng P2.98 bilyon ay sumasakop sa rehabilitasyon ng walong linya ng lansangan mula Alabang viaduct sa Muntinlupa City hanggang Sta. Rosa, Laguna. Ang TR3 na nagkakahalaga ng P1.56 bilyon ay sa pagtatayo ng four-lane toll road mula Calamba City hanggang Sto. Tomas, Batangas. (Lilia Tolentino)

ALABANG

BATANGAS

CALAMBA CITY

LILIA TOLENTINO

METRO MANILA

MUNTINLUPA CITY

PANGULONG ARROYO

PROJECT TOLL ROAD

SOUTH LUZON EXPRESSWAY

TIMOG KATAGALUGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with