Batay sa dokumentong nakalap, may merito ang reklamo ng isang Rafael Villar, vice president ng Sterling Insurance Company laban sa branch manager na si Charles Almendras na makasuhan ng apat na bilang ng libelo.
Sa reklamo ni Villar, siniraan umano siya ni Almendras sa pangulo ng nasabing insurance company sa pamamagitan ng liham na may petsang Hunyo 13, 2005 at nagsasaad ng direktang pagtukoy kay Villar na umanoy magnanakaw ng kliyente mula sa mga ahente ni Almendras upang makuha ang komisyon.
Nasundan pa umano ito ng tatlo pang liham na pawang mga paninira pa rin kay Villar kung saan maanomalya at illegal umano ang pakikipag-transaksiyon nito sa kliyente. Tinawag pa umano ni Almendras si Villar na "evil person." (Grace dela Cruz)