FG hinamon ng debate ni Jinggoy
March 27, 2006 | 12:00am
Hinamon ni Sen. Jinggoy Estrada si First Gentleman Mike Arroyo sa isang public debate upang malaman ng publiko kung sino ang totoong nagbibigay ng proteksyon sa mga hinihinalang smugglers sa bansa.
Sinabi ni Sen. Estrada, kahit sa EDSA shrine, sa Luneta, Liwasang Bonifacio o kahit saang lugar ay handa nitong harapin sa isang one-on-one debate si FG Arroyo para malaman ng publiko ang katotohanan at kung sino ang nagsasabi ng totoo sa kanilang dalawa.
Ito ang naging tugon ni Sen. Jinggoy matapos siyang sampahan ng libelo ng Unang Ginoo dahil sa pag-aakusa umanong nagbibigay siya ng proteksiyon sa smuggler na si Samuel Lee na tauhan daw ni Vicky Toh.
Magugunita na binatikos din ni Jinggoy ang pagpapalaya kay Lee dahil sa mababaw na kasong isinampa lamang dito ng Quezon City Prosecutors Office kaya nakapaglagak ito ng piyansa.
Kabilang umano si Lee sa listahan ng suspected smugglers kasama sina Vicky Toh at Lucio Co na umanoy malalapit kay FG Arroyo na lumutang sa isinagawang imbestigasyon ng Senado. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended