^

Bansa

Giyera ni Enrile vs Jamby tumindi

-
Lalong lumala ang bangayan sa loob ng oposisyon matapos magpahayag si Sen.Juan Ponce Enrile na nakahanda siyang tumestigo sakaling mabuhay ang isyung nandaya noong nakaraang eleksyon si Sen. Jamby Madrigal.

Sa pulong-balitaan kahapon, sinabi ni Sen. Enrile na mayroong isang surprise witness na magdidiin kay Madrigal na nandaya ito noong 2004 elections at nakahanda siyang tumestigo para suportahan ang alegasyon ng sinasabi niyang "surprise witness".

Ayaw sabihin ni Enrile ang laman ng affidavit ng binabanggit niyang "surprise witness" pero sinabi nito na mayroon siyang direktang kaalaman kung ano ang tinutukoy sa sinumpaang-salaysay ng testigo.

Idinetalye ni Enrile, na noong nakaraang eleksyon magkatabi sila ni dating Agriculture Sec. Salvador Escudero sa isang kampanyahan sa Gumaca. Quezon ng marining nila si Madrigal na may kausap sa cellphone kung saan binanggit ng senadora na dapat kasama siya sa top-5 ng mga mananalong senador.

Si Enrile, Madrigal at Escudero ay pawang tumakbo noong nakaraang halalan sa ilalim ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP).

"Name the price" ito daw ang narinig ni Enrile mula kay Madrigal at naniniwala ang dating kalihim ng Tanggulang Pambansa na kukumpirmahin din ni Escudero ang kanyang pahayag.

Ayaw banggitin ni Enrile kung sino ang kausap ni Madrigal, pero may palagay na ang nasa kabilang linya ay si dating Comelec Commissioner Virgilio Garcilliano.

Noong pumutok ang Hello Garci tape, inamin ni Madrigal na nakausap niya si Garcilliano, pero ito ay sa hindi inaasahang pagkakataon at ipinasa lang daw sa kanya ang telepono.

Ayon kay Enrile, wala siyang matatandaan na pinag-umpisahan ng kanilang away, at ang tanging nakikita niya ay noong hindi niya napagbigyan ang senadora sa kahilingan nito na huwag kumpirmahin si DENR Sec. Mike Defensor na ngayon ay Presidential Chief of Staff.

Wala rin pakialam si Enrile kung tapos na ang prescription period sa kaso ng dayaan aniya, ang mahalaga ay maibunyag ito.

Dinagdag pa ni Enrile mula noon ay naging mainit na sa kanya si Madrigal at personal na ang pag-atake sa kanya sa ilalim ng senate inquiry kung saan naging mainit ito sa San Jose Timber Corporation (SJTC) na pag-aari ng kanyang pamilya.

Iginigiit daw ni Madrigal na ang committee cultural minorities na kanyang pinamumunuan ang siyang manguna sa imbestigasyon sa SJTC dahil may mga tribung Manobo ang naapektuhan nito.

Ayon kay Enrile, walang tribung Manobo sa SJTC at ang operasyon nito ay kanselado pa noong magpatawag ng pagdininig.

"Gusto niyang magpasikat, kung si Enrile ay gago at kaya niya, subukan niya," ayon sa 84-anyos na senador.

Tinuldukan na rin ni Enrile ang posibilidad na magkakabati sila ni Madrigal sa pagsasaad ng katagang "too late I have tolerated her too long".

Iginagalang naman ni Madrigal ang pahayag ni Enrile, dahil ayon na rin sa kanya ay respetado niya ang matandang senador at nilinaw din nito na hindi siya naging personal kay Enrile partikular na ang isyu sa SJTC. (Rudy Andal)

AGRICULTURE SEC

AYAW

AYON

COMELEC COMMISSIONER VIRGILIO GARCILLIANO

ENRILE

HELLO GARCI

JAMBY MADRIGAL

JUAN PONCE ENRILE

MADRIGAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with