Bulaong pasok sa NBI
March 9, 2006 | 12:00am
Dahil sa magandang track rekord nito, pabor umano ang mga kawani at ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) na si Manila Police District (MPD) director chief Supt. Pedro Bulaong ang siyang humalili sa nabakanteng puwesto ng namayapang si NBI Director Reynaldo Wycoco.
Ayon sa ilang insiders sa NBI na ayaw magpabanggit ng pangalan, wala silang nakikitang mali sakaling si Bulaong ang mapili ng Malacañang na bagong director ng NBI.
Anila, kuwalipikado si Bulaong na tumayong pinuno ng ahensiya na gaya ni Wycoco ay nagmula sa Philippine National Police bagaman hindi abogado ito.
"The man is qualified. Hes no stronger to the job as other people would like to peddle. Hes a professional. His record at the MPD speaks well of his credentials," ayon sa insider.
Nilinaw ng insider na walang katotohanan ang pagdiskuntento ng mga kawani sakaling pumasok si Bulaong sa naturang ahensiya.
Ang MPD sa leadership ni Bulaong ay hinirang kamakailan ng National Capital Region Police Office na best police district sa Metro Manila. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest