^

Bansa

Gen. Lim lumutang sa NBI

-
Itinanggi kahapon ng sinibak na si Army Scout Ranger Brig. Gen. Danilo Lim ang pagkakasangkot niya sa nabigong kudeta laban sa gobyernong Arroyo sa pagsipot nito kahapon sa National Bureau of Investigation (NBI).

Si Lim kasama ang abogadong si Atty. Vicente Verdadero ay nagsumite ng isang liham kay NBI officer-in-charge Atty. Nestor Mantaring at Special Task Force director Atty. Reynaldo Esmeralda para pabulaanan ang isinulat ni Nelly Sindayen ng Times Asia magazine na nakipagsabwatan siya sa isang Pastor Boy Saycon para pamunuan ang isang kudeta laban sa pamahalaan.

Itinanggi rin nito na tinangka niyang kumbinsihin si AFP Chief of Staff Gen. Generoso Senga na sumama sa rebelyon dahil kung ginawa niya ito ay dapat kasama na niya ang kanyang buong tauhan para magtuluy-tuloy na ang pag-aklas.

Ayon sa general, walang balak ang kanyang grupo na ikudeta ang Pangulo at hindi rin aniya totoo ang balitang pakikipag-alyansa nila sa grupo ng NPA at lalong hindi niya pahihintulutan ang kanyang sarili sampu ng kanyang mga tauhan na magamit ng sinumang pulitiko na mapabagsak ang pamahalaan. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ARMY SCOUT RANGER BRIG

CHIEF OF STAFF GEN

DANILO GARCIA

DANILO LIM

GENEROSO SENGA

ITINANGGI

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NELLY SINDAYEN

NESTOR MANTARING

PASTOR BOY SAYCON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with