^

Bansa

‘Floating bomb’ ship sinita sa muling pagbiyahe ng nakalalasong kemikal

-
Bagama't pinagbawalan na ng Court of Appeals (CA) at ng Office of the Solicitor General (Solgen), pinayagan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Maritime Industry Authority (MARINA) na makapaglayag ang barkong tinaguriang "floating bomb" dahil sa pagkakarga ng nakalalasong kemikal sa kabila umano ng hindi pagtupad sa safety code para sa karagatan.

Nabatid na muling nakabiyahe ang LCT M/V Golden Swan nitong Pebrero 25-26 buhat sa Pier 18 sa Tondo, Maynila at nakarating ng Isabela, Leyte upang magkarga ng nakalalasong kemikal na "anhydrous ammonia" na idedeliver naman sa Pheschem Indistry sa Maynila.

Ito’y matapos na bigyan ng go-signal umano ng PCG-Isabela, Leyte base na rin sa kautusan ni Commander Joseph Badajos, chief officer ng Maritime Safety Office ng PCG-National Capital Region.

Base sa rekord, unang nagpalabas ng kautusan ang MARINA noong Disyembre 21, 2001 na bawalang bumiyahe ang Golden Swan hanggang hindi nakakatalima ang nagmamay-ari ng barko sa safety code ng MARINA partikular ang International Code for Construction and Equipment of Ships Carrying Liquefied Gases in Bulk (IGC Code).

Sinundan pa ng kautusan ng Office of the President noong Oktubre 30, 2004 at Enero 27, 2005 para sa MARINA at PCG na itigil ang pagkakaloob ng special permit sa Golden Swan upang makapaglayag. (Danilo Garcia)

COMMANDER JOSEPH BADAJOS

CONSTRUCTION AND EQUIPMENT OF SHIPS CARRYING LIQUEFIED GASES

COURT OF APPEALS

DANILO GARCIA

GOLDEN SWAN

INTERNATIONAL CODE

ISABELA

LEYTE

MARITIME INDUSTRY AUTHORITY

MARITIME SAFETY OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with