^

Bansa

Shabu ‘mini tiangge’ sa Maynila sinalakay

-
Nalambat ng pinagsanib na puwersa ng Manila Police District (MPD)-District Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (DAID-SOTG) at Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) at K-9 ang 19-katao na pawang hinihinalang mga drug pushers sa isinagawang drug operation sa isang ‘mini tiangge’ ng shabu, ilang metro lamang ang layo sa himpilan ng MPD-Station 4 sa Sampaloc, Manila, kahapon ng hapon.

Kinilala ang mga suspect na sina Rafael Abad, Domec Ramos, John Carlo Estacio, Romeo Habahab, Allen Abad, Rafael Abad, Ramil Abad, Christina Gomez, Jaime Valenzuela, Dario Dolores, Daniel Estacio, Edward Salazar, Maria Leonila, Leonida Roy, John Coz, Rolando Coz, Mylene Villanueva, Maria Rosario Estado at Catherine Manabat. Sila ay kasalukuyang nakadetine sa DAID-SOTG.

Pinangunahan mismo ni DAID chief Supt. Rodolfo Llorca ang operasyon sa bisa ng search warrant na ipinalabas ng Manila RTC dakong ala-1 ng hapon kahapon sa gilid ng riles ng tren sa G. Tuazon St., Balic-Balic, Sampaloc, na may 70 metro lamang ang layo mula sa likuran ng MPD-Station 4.

Ang pagkakabulgar sa mini tiangge ay dahil sa nakalap na impormasyon ng mga tauhan ng MPD-Station 4 hinggil sa talamak na bentahan ng shabu sa naturang lugar. Ipinagbigay-alam naman ito sa tanggapan ni Llorca na siyang nanguna sa pagsalakay.

Ikinatwiran ni Llorca na meron siyang memorandum sa mga himpilan ng pulisya sa Maynila na kaagad ipagbigay-alam sa kanila kung may makukuhang impormasyon tungkol sa pamamayagpag ng mga drug pusher sa kanilang nasasakupan.

Matapos na makumpirma sa pamamagitan ng test-buy ay kaagad na nagsagawa ng raid ang mga alagad ng batas.

Sinasabing naaktuhan ang mga suspect na nagsasagawa ng kumperensiya kasabay sa pagbibenta ng shabu. (Gemma Amargo-Garcia)

ALLEN ABAD

CATHERINE MANABAT

CHRISTINA GOMEZ

DANIEL ESTACIO

DARIO DOLORES

DOMEC RAMOS

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS SPECIAL OPERATION TASK GROUP

EDWARD SALAZAR

RAFAEL ABAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with