^

Bansa

‘Pork’ ng mga party-list solons, pinabubusisi

-
Pinaiimbestigahan ng Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas kay House Speaker Jose de Venecia ang pagsasagawa ng inquiry upang malaman kung paano ginamit ng mga militant lawmakers ang kanilang Priority Development Assistance Fund o pork barrel bunga na rin ng alegasyon na sangkot ang mga ito sa pagpapabagsak sa administrasyong Arroyo.

Ang hamon ay bunsod na rin ng panawagan ni PDSP founding leader, National Security Adviser Norberto Gonzalez sa mga lider ng Kongreso na alamin kung saan napunta ang pork allocation ng mga makakaliwang partylist representatives.

Ayon kay Gonzales, nararapat lamang ang imbestigasyon dahil posibleng ang mga pondo umano ay napupunta sa operasyon ng mga kasapi ng New People’s Army na umano’y terror group ayon sa Estados Unidos.

Aniya, sakaling totoo ang ulat na napupunta lamang sa mga leftist ang pork barrel ng mga party list congressmen, hindi umano tama ito dahil ang countryside development fund ay para sa kaunlaran ng bawat Filipino at hindi para sa anumang terrorist activities.

Sinabi ng grupo na dapat lamang malaman ng publiko kung saan napunta ang P40 milyon pork at upang maalis ang duda ng mamamayan. Inaasahang magiging P50 milyon na ang pork barrel ng mga kongresista ngayong taon. (Malou Escudero)

vuukle comment

ANIYA

AYON

ESTADOS UNIDOS

HOUSE SPEAKER JOSE

MALOU ESCUDERO

NATIONAL SECURITY ADVISER NORBERTO GONZALEZ

NEW PEOPLE

PARTIDO DEMOKRATIKO SOSYALISTA

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with