^

Bansa

Pagkalat ng ‘double dead’ meat sa Caloocan naagapan

-
Iniulat kahapon ni Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri ang naging matagumpay na kampanya ng lungsod laban sa nagkalat na "double-dead" meat matapos na makakumpiska ang City Veterinary Office (CVO) ng 300 kilos ng hot meat sa dalawang magkahiwalay na operasyon.

Base sa ipinadalang ulat nina City Veterinarian Teodoro Rosales at Administrative Officer Honesto Gutierrez, ang unang isinagawang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip kina Roger Galvez at Ariel delos Angeles Cruz ay naganap sa Barangay 56, Caloocan City.

Ayon kay Echiverri, sina Galvez at Cruz ay inaresto matapos na maaktuhan na may dalang dalawang ulo ng baboy na nang suriin ay lumalabas na pawang mga double dead. Sa isa pang operasyon, nakakumpiska rin ang mga tauhan ng CVO ng mahigit sa 300 kilos ng double-dead meat sa kahabaan ng 7th Ave. malapit sa Nadurata St., Caloocan City.

Ang isinagawang operasyon ng CVO ay kaugnay na rin ng "Operation: Hot-meat" ng lungsod upang maiwasan ang pagkalat ng mga double-dead meat sa lahat ng pamilihan.

vuukle comment

ADMINISTRATIVE OFFICER HONESTO GUTIERREZ

ANGELES CRUZ

AYON

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

CITY VETERINARIAN TEODORO ROSALES

CITY VETERINARY OFFICE

ECHIVERRI

NADURATA ST.

ROGER GALVEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with