^

Bansa

ABS-CBN execs ipapatawag ng NBI

-
Pinadalhan na kahapon ng subpoena ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na personalidad ng ABS-CBN kabilang ang mga executives at host ng Wowowee na si Willie Revillame upang magpaliwanag kaugnay sa naganap na Ultra stampede.

Inatasang dumating sa NBI main office sa Taft Ave., Manila sa Peb. 27 sina Revillame at Charo Santos-Concio, executive vice pres. for entertainment at sa Peb. 28 sina Rey Cayabyab, location manager at Rene Luspo, vice pres. at head ng security ng nasabing TV network.

Hihingan ng pahayag ang mga nabanggit na opisyal upang alamin ang kanilang partisipasyon at kung may pananagutan ba sila sa naganap na trahedya na pumatay ng 71 katao at sumugat ng mahigit 300.

Sinabi ni Atty. Ruel Lasala, hepe ng NBI-National Capital Region na 72 oras lamang ang ibinigay sa kanila ng DOJ upang tapusin ang kanilang isinasagawang imbestigasyon kaya hihingi sila ng extension dahil kulang na kulang umano ang nasabing panahon. (Danilo Garcia)

CHARO SANTOS-CONCIO

DANILO GARCIA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL CAPITAL REGION

PEB

RENE LUSPO

REY CAYABYAB

RUEL LASALA

TAFT AVE

WILLIE REVILLAME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with