PCGG chief pinagbibitiw ni Joker
February 9, 2006 | 12:00am
Pinagbibitiw ni Sen. Joker Arroyo si PCGG Chairman Camilo Sabio sa 29 korporasyon ng bansa na nasa ilalim ngayon ng PCGG dahil na rin sa labag ito sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officers and Employees o R.A. 6713.
Ayon kay Arroyo, malinaw na nagkaroon ng paglabag sa R.A. 6731, partikular na sa Section 7 kung saan malinaw na nakasaad doon na mahigpit na ipinagbabawal ang pagkakaroon ng transaksyon ng isang public official sa ibang kumpanya.
"The following shall constitute prohibited acts and transactions of any public official or employee and are hereby declared unlawful, control, manage or accept employment as an officer, employee, trustee or any nominee in any private enterprise regulated, supervised or licensed by their office unless expressly allowed by law. It is that clear. The 29 sequestered corporations are under the control of PCGG," paliwanag ni Arroyo.
Naging maalat ang relasyon ni Sabio sa Senado, partikular na kay Arroyo at Sen. Juan Ponce Enrile matapos na tumanggi ang huli na ibunyag ang naging kasunduan nito sa coco-levy fund na magkaroon ng pagdinig hinggil sa budget ng PCGG kung saan ginawa lang itong piso ng mga senador.
Ang desisyon ng Senado ay sinuportahan naman ng Philippine Overseas Telecommunications Corporation (POTC) at ng Philippine Communications Satellite Corporation (Philcomsat) kung saan inihayag nito na dapat busisiing maige ng Senado ang lahat ng sequestered companies na nakapaloob sa PCGG. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended