Kinilala ni Echiverri ang mga namatay sa malagim na trahedya na sina Ruffa Rosales ng Block 39, Phase 3, Dagat-dagatan; Rosalina Salazar ng Leozarde St., Dagat-dagatan; Ounesia Selano, Sampaguita St., Libis, Camarin; Virginia Javierto at Josephine Barra, kapwa ng Bgy. 144.
Nakatakda ring bisitahin ng alkalde ang labi ng mga nasawi sa trahedya upang magpahatid ng pakikiramay sa pamilyang mga namatay.
Inasistehan naman ng mga tauhan ng Intervention Unit (CIU) at Reformed Department of Public Safety and Traffic Management (RDPSTM)-Rescue team ang mga nasaktan sa stampede habang ang Social Welfare Department ng lungsod ay kinausap at nagbigay ng counseling upang agad na malimutan ng mga ito ang naganap sa kanilang malagim na karanasan.
Kasalukuyan ding minomonitor ng lokal na pamahalaan ang kalagayan ng mga nasugatan sa malagim na trahedya.