Trabaho sa senior citizens isinulong ni Villar
February 8, 2006 | 12:00am
Nais ni Sen. Manuel Villar, Jr. na maging kapaki-pakinabang ang mga matatanda sa ating lipunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga trabaho sa mga may edad 40 pataas.
Sa kanyang Senate bill 645 o ang "Mature and Older Workers Act", sinabi ni Sen. Villar na dapat magkaroon ng programa para sa kanila at nang sa ganoon ay pakinabangan pa sila ng lipunan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga kakayahan na naangkop sa kanilang katauhan.
Sinabi pa ng senador, nais pang magtrabaho ng mga ito at katunayan ang mga nasawing matatanda sa Ultra ay isang patunay na gusto pa nilang makatulong sa kanilang pamilya kaya sa halip na pumila sila sa mga ganitong uri ng palabas ay bigyan na lang ng sapat na kaalaman para makapagtrabaho.
Sa ilalim ng kanyang panukala, bibigyan ng pagsasanay ang mga may edad 40 pataas upang magkaroon ng sapat na kaalaman para makapasok sa trabaho. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest