Sanggol sugatan sa sunog
January 21, 2006 | 12:00am
Isang sanggol ang nasugatan matapos bumagsak ang ikalawang palapag ng kanilang bahay habang nagaganap ang sunog kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.
Nagtamo ng pinsala sa katawan at pagkasunog ng mukha at braso ang biktimang si King Matthew Garcia, 1-taong gulang at residente ng Calaanan Comp., Brgy. 86 ng nasabing lungsod.
Batay sa ulat ng Caloocan Fire Station, bandang alas-4:15 ng madaling-araw nang mag-umpisang umapoy ang tinutuluyang kuwarto ni Edwin Basal, 29, MMDA Enforcer sa nasabing lugar.
Ayon sa ulat, agad na kumalat ang apoy sa kuwarto ni Basal sa ikalawang palapag dahilan upang bumigay ito at mabagsakan ang sanggol na naiwang natutulog sa ibaba ng kanyang mga magulang.
Nadiskubre lamang ang kinalalagyan ng biktima ng marinig ng mga bumbero ang pagpalahaw nito ng iyak.
Agad namang napigilang kumalat ang apoy sa iba pang kabahayan na sinasabing faulty electrical wiring ang pinagmulan. (Rose L. Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended