Rigodon sa Gabinete ilalabas na
January 15, 2006 | 12:00am
Nakatakdang ipalabas ng Malacañang ang mga mapapalad at masasagasaan sa malawakang pagbalasa sa hanay ng Gabinete ni Pangulong Arroyo.
Ayon kay Environment Sec. Michael Defensor, sa darating na linggo ay malalaman na ng publiko ang mga bagong opisyal na masasama sa Gabinete ng Pangulo at sa ibang minalas na maalis.
Si Defensor na inalok na pamunuan ang Presidential Management Staff (PMS) ay naghayag na ang kanyang kapangyarihan at hangganan ng kanyang tungkulin ay isasapinal ngayong darating na linggo.
"The announcement (new cabinet) will come from the President or the Executive Secretary this week," ani Defensor sa isang panayam sa radio program ni Vice President Noli de Castro.
Pinabulaanan ni Defensor ang report na magsisilbi rin siya bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Papalitan ni Defensor si dating PMS chief Rigoberto Tiglao matapos iappoint ng Pangulo bilang bagong ambassador sa Greece. (Pia Lee-Brago)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest