Website ni Faeldon pakana ng anti-GMA groups
January 14, 2006 | 12:00am
Posibleng pakana umano ng mga grupong kalaban ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang website ng puganteng si Marine Captain Nicanor Faeldon na nanghihikayat sa mamamayan na maglunsad ng civil disobedience laban sa gobyerno.
Sinabi ni AFP-Deputy Chief of Staff Lt. Gen. Samuel Bagasin, naghihinala sila na ginagamit lamang ng ilang grupo ang pangalan ni Faeldon sa naturang website (www.pilipino.org.ph).
Si Faeldon ay isa sa anim na hardcore na lider ng Magdalo Group na naglunsad ng mutiny matapos na sakupin ng may 300 junior officers at enlisted personnel ang Oakwood Premiere Hotel sa Makati City noong Huly 27, 2003.
Ipinunto ni Bagasin na mukhang bihasa sa English ang may-akda di tulad ng tunay na Faeldon na sanay lamang sa operasyon ng militar bunga ng kasanayan nito noong nakatalaga pa sa 1st Marine Recoinnassance Company na nakabase sa Ternate, Cavite.
Idinagdag pa nito na simula ng tumakas at magtago si Faeldon ay biglang lumutang ang isang website na nakapangalan sa nasabing nag-aklas na junior officer. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended