^

Bansa

P125 wage hike muling giniit

-
Muling iginiit ng militanteng grupo ang panukalang P125 daily wage increase para sa manggagawa matapos lumitaw sa huling survey ng Social Weather Station (SWS) na dumadami ang nagugutom na Pinoy.

Sinabi ni Anak-Pawis Partylist Rep. Crispin Beltran, dapat ipasa na ang House bill 00345 o panukalang P125 daily wage increase upang makasabay sa tumataas na gastusin ang sektor ng manggagawa.

Naniniwala ang kongresista, ang pagtaas sa sahod ng mga manggagawa ay unang hakbang para mapalakas ang purchasing power ng mahihirap na Pinoy na nagtitiyaga sa kakarampot na suweldo.

Ayon kay Rep. Beltran, halos kalahating dekada na ang nasabing panukala na unang inihain sa Kamara noong Agosto 1999.

Ipinaalala pa ng mambabatas, ang implementasyon ng Expanded Value Added Tax ay lalong magpapahirap sa taumbayan.

Aniya, mas dapat unahin ng Kamara ang pagpasa sa panukalang dagdagan ang suweldo ng mga manggagawa kaysa bigyang prayoridad ang Charter Change na isinusulong ng mga kakampi ng administrasyon Arroyo. (Malou Rongalerious)

AGOSTO

ANAK-PAWIS PARTYLIST REP

ANIYA

CHARTER CHANGE

CRISPIN BELTRAN

EXPANDED VALUE ADDED TAX

KAMARA

MALOU RONGALERIOUS

PINOY

SOCIAL WEATHER STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with