Meralco mas mataas ang singil sa residential
January 8, 2006 | 12:00am
Ibinunyag kahapon ng isang consumer watchdog na mas mataas umano ang rates na binabayaran ng mga residential customers ng Manila Electric Company (Meralco) kaysa sa mga commercial at industrial.
Sa paliwanag ni National Association of Electricity Consumers for Reforms (Nasecore) president Pete Ilagan, ang lahat ng mga residential consumers ay umaabot sa average rate na P7.5393 kada kilowat-hour samantalang ang mga commercial at industrial customers naman ay P7.2139/kWh at P6.3965/kWh na base na rin sa dokumentong isinumite ng Meralco sa Energy Regulatory Commission (ERC).
Idinagdag pa ni Ilagan na habang ang power rates ng 1.4 million residential customers na kumukonsumo lamang ng mababa sa 100 kWh ay sinusubsidize dahil ang kanilang average rate ay nasa P5.0210/kWh lamang, lubha namang mataas ang singil sa may 2.4 million iba pang residential customers na nagbabayad ng average rate na P7.8337/kWh.
Ang mga commercial at industrial customers ng Meralco ay may Flat rate charge na P655.33 para sa supply at P317.74 para sa metering.
Sa pag-aaral ng grupo, lumalabas na ang mga residential consumers ay sisingilin ng P0.5271/kWh para sa supply charge at karagdagang P0.2435/kWh para sa bawat metering na nangangahulugang sa bawat pagtaas ng kilowatt-hour consume ay tataas din ang kanilang babayarang supply o metering charge maliban pa sa fixed charge ng metering kada buwan na umaabot sa P5.00.
Hindi umano makatarungan para sa 3.8 milyong residential consumers ang ganitong patakaran na siyang magdadala ng mas mabigat na pasanin kumpara sa 11,125 industrial at 353,348 commercial customers. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest