P45,000 illegal allowance ng PAF generals, ibinulgar
January 4, 2006 | 12:00am
Tumatanggap umano ng halagang P45,000 illegal allowance kada buwan ang bawat heneral ng Philippine Air Force (PAF) kaya kinakapos sa pondo ang hukbong sandatahan.
Ito ang ibinunyag kahapon ni Air Force Col. Efren Daquil, dating commander ng 710th Special Operations Wing dahilan umano sa hindi na makakayanan ng kanyang konsensya ang nagaganap na "pagnanakaw" sa pondo ng PAF kung hindi pa niya isisiwalat ito.
Maliban sa umanoy "nakukupit" na P45,000 monthly allowance ng mga heneral ay pinagpapaliwanag ni Daquil si Air Force chief Lt. Gen. Jose Reyes kung saan na napunta ang P30 milyong savings ng tanggapan nito simula ng matalaga ito sa posisyon noong 2004.
"I am not accusing him (Reyes) of corruption or any wrongdoings. I just wanted him to explain to all of us in the Air Force, where that P30 million was spent," ani Daquil.
Sinabi ni Daquil na bigo siya sa kanyang inaasam na reporma o pagbabago sa AFP kaya napilitan siyang lumantad sa media.
Aniya, hindi gumagawa ang "grievance mechanism" ang AFP at kung meron man ay pili lamang ito. Inamin pa niya na mayroon siyang pangit na karanasan sa pagkakadiskubre sa P19 milyong ghost delivery ng mga spare parts ng eroplano at inireport ito sa tamang channel ng AFP pero nabigong maaksyunan.
Si Daquil, ng PMA Class 1976 ay sinibak ni Reyes bilang deputy SPOW commander matapos na makaladkad ang pangalan nito sa bigong kudeta noong Disyembre 11 na mariin namang itinanggi ng opisyal. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest