^

Bansa

‘Putok’ victims tumaas

- Danilo Garcia -
Maituturing umanong bigo ang kampanya ng pamahalaan sa paggamit ng paputok matapos na umakyat ang bilang ng mga nabiktima ng apat na porsiyento kung saan pito katao ang naitalang patay sa Maynila, dalawa dito ang namatay sa watusi sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa datos ng Department of Health (DOH), kumpara sa 585 na biktima noong 2004, umakyat ito ngayon sa 610 sa pagtiklop ng taong 2005. Kabilang dito ang 582 biktima sa paggamit ng paputok, 19 ligaw na bala at siyam sa watusi.

Sinabi ni Health Sec. Franciso Duque III na hindi naman maituturing na "failure" ang dalawang pagkamatay sa watusi dahil hindi na maituturing na mga bata ang mga biktima.

Sa naturang datos din, lumalabas na pinakamarami ang nabiktima sa National Capital Region (NCR) na nakapagtala ng 381 biktima; Region 1, 124; Region 4, 22 at Region 3, 30.

Sinabi rin ni Duque na may mga bagong paputok rin na irerekomenda sila sa Philippine National Police na ipagbawal sa pagsalubong naman sa taong 2007 tulad ng tinatawag na "boga" at "trumpillo".

Ang boga ay mistulang baril na gawa sa PVC pipe na binabalahan ng alcohol para sumabog habang ang trumpillo naman ay mahinang klase ng paputok na mistulang posporo ngunit nakakasugat din kapag ginamit ng mga batang maliliit.

BAGONG TAON

DEPARTMENT OF HEALTH

DUQUE

FRANCISO DUQUE

HEALTH SEC

KABILANG

MAITUTURING

NATIONAL CAPITAL REGION

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with