Reward money sa tipster di ibinigay ng BIR
December 29, 2005 | 12:00am
Dahil sa hindi pagbibigay ng reward sa isang informer na tumayong tipster laban sa mga pinaghihinalaang tax evader, ipinagharap ng kasong kriminal sa Department of Justice (DOJ) si Bureau of Internal Revenue Commissioner Mario Bunag at tatlo pang matataas na opisyal ng ahensiya.
Ayon sa complainant na si Felicito Dolar, Jr., halos P2 milyong pisong reward ang dapat na ipagkaloob sa kanya ng BIR base sa nasingil nilang buwis sa isinumbong na tax evader.
Gayunman, tumanggi ang BIR na ibigay ang pabuya ng complainant kaya napilitan si Dolar na dumulog sa DOJ.
Bukod sa kasong estafa, lumabag din sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act sina Bunag, Assistant Commissioner James Roldan, chief ng legal division and legal analyst Atty. German Sabayle at acting Commissioner for legal services Milagros Regalado.
Ayon kay Dolar, noong Oktubre 15, 1998, nagsumite siya ng confidential information sa BIR hinggil sa ari-arian ng yumaong si Aguedo del Rosario ng Iloilo City.
Dahil sa naturang impormasyon, noong Enero 6, 2000 ay nakakolekta ang BIR ng buwis na nagkakahalaga ng P3,422,152.26 at muling nadagdagan ng P7,893,648.85 noong Dis. 10, 2001.
Naniniwala si Dolar na karapatan niyang makakolekta ng 25% ng nabanggit na halaga o kabuuang P1,978,412.21 bilang reward sa kanyang ginawang pagmamalasakit sa kampanya ng gobyerno.
Pinadalhan na ng subpoena ng DOJ si Bunag at tatlo pang kasama para humarap sa isasagawang preliminary investigation sa Enero 13, 2006. (Grace Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest