Oust GMA ikinasa rin ng NPA
December 27, 2005 | 12:00am
Maliban sa pagpapalakas ng opensiba ay ikinasa na rin ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang planong pagpapatalsik kay Pangulong Arroyo bago sumapit ang kalagitnaan ng taong 2006.
Ito ang nilalaman ng mensahe ng Communist Party of the Philippines (CPP)-NPA na kanilang ipinalabas kasabay ng pagdiriwang ng ika-37 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng naturang kilusan.
"The united front has their potential of ousting Arroyo from power before the middle of 2006. The NPA tactical offensives are meant to strengthen the armed revolution and to weaken the Arroyo regime," anang press statement.
Kasabay nito, isinulong ng CPP-NPA ang pakikipag-alyansa sa mga dismayadong sundalo at pulis para lumahok sa kanilang layuning patalsikin sa puwesto ang Pangulo.
Binigyang-diin ng grupo na sa pamamagitan ng pagpapatindi ng opensiba ng may 130 guerilla fronts na kanilang ipinakalat sa buong bansa ay tuluyang maglulugmok ito sa rehimeng Arroyo.
Sinabi pa na hindi dapat umanong manatili ang Pangulo sa Malacañang dahil sa malawakang dayaan na nangyari noong 2004 national elections.
Kaugnay nito, sinabi naman ni AFP-Deputy Chief of Staff Lt. Gen. Samuel Bagasin na nakahanda ang tropa ng pamahalaan na sagupain at tapatan ang puwersa ng mga rebelde habang nananatili silang nasa "defensive position" kaugnay ng idineklara ng pamahalaan na apat na araw na tigil-putukan nitong Dec. 24-25 at sa Dec. 31 at Enero 1, 2006.
"We are ready for any eventuality. They will not succeed as we maintained high state of vigilance," ani Bagasin. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am