Turn-over ng nalinis na riles sa Northrail
December 20, 2005 | 12:00am
Inaasahan ni Northrail president Jose Cortes Jr. ang turn-over ng Bulacan properties mula National Housing Authority (NHA) sa North Luzon Railways Corporation (Northrail) sa linggong ito.
Sinabi ni Transportation Undersecretary Cortes, sa Disyembre 22 ang formal turn-over ng NHA sa Bulacan properties ng PNR na nalinis na nila mula sa mga informal settlers.
Ayon kay Cortes, ito na lamang ang kanilang hinihintay upang tuloy-tuloy na ang pagsisimula ng konstruksyon ng Northrail project mula Caloocan City hanggang Malolos, Bulacan.
Bukod dito, wika pa ni Cortes, anumang araw sa linggong ito ay isusumite na rin ang preliminary design sa riles ng China National Machinery and Equipment Group (CNMEG).
Ipinaliwanag pa ng Northrail president, tatlong taon ang target date para matapos ang Phase 1 ng Northrail project mula Caloocan hanggang Malolos.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest