^

Bansa

Ceasefire sa CPP-NPA ok sa Senado

-
Pabor ang Senado sa mungkahi ng militar na magkaroon ng ceasefire sa hanay ng mga rebeldeng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ngayong Kapaskuhan.

Sinabi nina Senate Minority Leader Francis Pangilinan at Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr., ang lahat ng pamamaraan tungo sa kapayapaan ay kanilang sinusuportahan upang tuluyang makamit ang minimithi nating katahimikan.

Ayon kay Sen. Pangilinan, walang masama kung tutugunan din ng liderato ng CPP-NPA ang inilalatag na "Christmas truce" ng militar bilang paggalang sa panahon ng Kapaskuhan.

Sa panig naman ni Sen. Pimentel, ang lahat ng hakbang tungkol sa tuluy-tuloy na kapayapaan ay sinusuportahan ng oposisyon lalo na ang hakbang upang tuluyang maresolba ang rebelyon sa bansa.

Pinag-aaralan na ng liderato ng AFP ang paghahain ng unilateral military ceasefire at sa sandaling aprubahan ito ay ang Palasyo ang maghahayag ng mga detalye.

Noong nakaraang taon ay nagdeklara ang pamahalaan ng 21-day unilateral ceasefire sa hanay ng CPP-NPA. (Rudy Andal)

vuukle comment

AYON

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES-NEW PEOPLE

KAPASKUHAN

NOONG

PABOR

PALASYO

PANGILINAN

RUDY ANDAL

SENATE MINORITY LEADER AQUILINO PIMENTEL JR.

SENATE MINORITY LEADER FRANCIS PANGILINAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with