Lacuna target ng demolisyon?
December 10, 2005 | 12:00am
Kinondena ni Bise Alkalde Danny Lacuna ang harapang paninirang isinasagawa ng mga di kilalang grupo sa siyudad laban sa kanya.
Ito ay matapos makatanggap ng ilang sumbong ang bise tungkol sa mga ilegal na aktibidades ng ilang grupo na isinasagawa diumano sa ngalan niya.
Kasama rito ang babalang paggiba diumano sa ilang kabahayan ng mga iskuwater sa Nepomuceno St. sa San Miguel sa ikaanim na distrito ng siyudad at ang pagtanggal ng mga nagtitinda sa harap ng Trabajo Market ng mga nagpakilalang mga tauhan ni Lacuna.
Ayon sa bise alkalde, wala siyang kinalaman sa mga operasyong ito na sa kanyang pananaw ay ilegal sa kadahilanang hindi nito sinunod ang reglamento ukol sa pagbibigay ng notice sa mga target bago isagawa ang operasyon nang naaayon sa batas.
Nanawagan din si Lacuna sa taumbayan na maging handa sa mga ganitong gawain at layuning siraan siya sa pamamagitan ng pagpapahirap sa kanila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am